Food vlogger sa China, banned sa eat-all-you-can restaurant

Isang lalaking food live-streamer sa China ang banned na sa isang all-you-can eat grill buffet restaurant.

Dahil ito sa sobra-sobra niyang kinakain doon.

Kinilala lang ang lalaki bilang Mr. Kang.

Ayon kay Mr. Kang, bawal na siya sa Handadi Seafood BBQ Buffet sa Changsha city matapos ang ilang beses ding paglamon sa nasabing restaurant.

Sa tantya ni Kang, sa unang punta pa lang niya sa restaurant, nakaubos siya ng isa at kalahating kilong pork trotters at sa isa pang pagbisita, halos apat na kilo naman ng sugpo.

Para kay Kang, diskriminasyon ang ginawang pag-ban sa kanya ng restaurant.

“I can eat a lot – is that a fault?” tanong ni Kang sabay sabi rin na wala siyang sinayang sa mga kinain niya.

Depensa naman ng may-ari ng restaurant, malulugi siya ng tuluyan kung hindi niya pagbabawalang kumain doon si Kang.

(NP)

The post Food vlogger sa China, banned sa eat-all-you-can restaurant appeared first on News Patrol.



Food vlogger sa China, banned sa eat-all-you-can restaurant
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments