Mga Pinoy na kumpleto na sa bakuna, lampas 30M na

Umabot na sa 65,764,376 doses ng COVID-19 vaccines ang naituturok sa Pilipinas, ayon sa National COVID-19 Vaccination dashboard.

Sa nasabing bilang, umabot na sa 30,108,097 Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Nasa 35,656,279 naman ang nakatanggap ng unang turok o first dose ng bakuna.

Nitong Martes lang, November 9,  nakapagbakuna na ang Pilipinas ng nasa 817,010 doses.

Kumpiyansa naman ang gobyerno na maaabot nito ang target na 1.5 milyong dose upang makamit ang population protection bago magtapos ang taon.

Ang average daily vaccine doses naman na naiturok sa nagdaang pitong araw ay umabot sa 765,422 doses.

(Toni Tambong)

The post Mga Pinoy na kumpleto na sa bakuna, lampas 30M na appeared first on News Patrol.



Mga Pinoy na kumpleto na sa bakuna, lampas 30M na
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments