Mas mahabang oras ng botohan sa May 2022 elections, itinakda ng Comelec

Nagtakda na ang COMELEC o Commission on Elections ng mas mahabang oras ng pagboto para sa halalan sa 2022.

Ayon sa COMELEC, ang voting hours para sa May 9, 2022 national at local elections ay mula 6 a.m. hanggang 7 p.m.

Sa briefing ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, sinabi ni  Comelec Commissioner Marlon Casquejo na aprubado na ng Comelec en banc ang general instructions para sa board of election inspectors na ipatutupad sa araw ng halalan.

Ganunpaman, nilinaw ni Casquejo na hindi agad magsasara  ang mga presinto pagsapit ng alas siyete ng gabi dahil  kailangan nilang tapusin ang pagboto ng mga taong nakapila ng may tatlumpung metro.

“We do not expect that it will end at 7 o’clock, it will continue until such time all those inside or within 30 meters will be catered. We have procedures on that,” sabi  pa ni Casquejo.

Noong 2019 midterm elections, nagsimula ang botohan ng alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng gabi.

Ayon sa Comelec, mahalagang mapahaba ang oras ng pagboto lalo na at limitado lang ang bilang ng mga taong papasok sa isang presinto upang maiwasan ang hawaan ng Covid-19.

(Toni Tambong)

The post Mas mahabang oras ng botohan sa May 2022 elections, itinakda ng Comelec appeared first on News Patrol.



Mas mahabang oras ng botohan sa May 2022 elections, itinakda ng Comelec
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments