3M Sinovac jabs, dumating na sa Pilipinas

(Photo Courtesy: Screengrab from PTV FB)

Dumating na rin sa Pilipinas ang karagdagang tatlong milyong dose ng Sinovac COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno nitong Miyerkules, November 10.

Ito ay sa pamamagitan ng nakuhang pautang ng Pilipinas mula sa Asian Development Bank (ADB).

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang alas-11:00 ng umaga kahapon ang nasabing mga bakuna mula sa China.

Sinalubong at tinanggap naman ito nina National Task Force Against COVID-19 Assistant Secretary Wilben Mayor at Health Undersecretary Ma. Carolina Vidal-TaiƱo.

Sa datos ng NTF, natanggap na ng Pilipinas ang kabuuang 114,245,400 doses ng Sinovac kasama na ang mga binili at donasyon sa bansa.

Target ng gobyerno ng Pilipinas na mabakunahan ang 70 porsyento ng populasyon nito para makamit ang “herd immunity” ng bansa.

Pinabibilisan na rin ng National Task Force against Covid-19 ang vaccionation roll out ng mga local government units (LGU).

Inanunsyo na rin ng gobyerno ang pagsasagawa nito ng 3-day national vaccination drive para mas marami pa ang mabakunahan.

(NP/Toni Tambong)

 

 

The post 3M Sinovac jabs, dumating na sa Pilipinas appeared first on News Patrol.



3M Sinovac jabs, dumating na sa Pilipinas
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments