Isa na namang Pinoy, nakalinya sa pagka-santo

Isa na naman Pinoy ang posibleng mahilera sa linya ng mga santo ng Simbahang Katolika.

Siya ay si dating Archbishop Teofilo Camomot ng Cebu.

Aprubado na ng Theological Commission of the Congregation  for the Causes of Saints sa Vatican ang Servant of God’s “Positio”,  ang dokumentasyon ng buhay at mga nagawa ni Camomot na magpapatunay sa kanyang “heroic virtues” at pagkabanal.

Ayon sa Archdiocese ng Cebu, unanimous ang naging boto ng komisyon.

Dahil diyan, susuriin na ng komisyon ng mga obispo at cardinal ang positio ni Camomot.

Kung maaprubahan ulit, tatawagin siyang “Venerable” bago magsagawa ng karagdagan pang imbestigasyon para umusad si Camomot sa beatification at canonization.

Tubong Carcar City sa Cebu si Archbishop Camomot.

Isa sa mga umano’y himala niya noong nabubuhay pa ay ang tinatawag ma bilocation o nasa dalawang magkaibang lugar sa parehong oras.

Nasawi si Camomot sa isang vehicular accident noong 1988 habang papauwi sa Carcar.

(NP)

The post Isa na namang Pinoy, nakalinya sa pagka-santo appeared first on News Patrol.



Isa na namang Pinoy, nakalinya sa pagka-santo
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments