Mga kandidatong pakipot bakit kinakagat ng publiko, ayon sa political analysts

Kinakagat ng publiko ang imahe ng mga kandidatong pakipot kaya’t madalas itong gamiting gimmick tuwing eleksyon, ayon sa isang political analyst.

Ayon sa ulat ng news.abs-cbn.com, para sa mga botanteng sawa na sa mga pulitikong atat na atat sa puwesto, may hatak ang mga kandidatong tila hindi gahaman sa puwesto.

“Appealing sa mga Filipino voters iyong mga pakipot na mga kandidato. Natu-turn off iyong electorate doon sa mga klase ng kandidato na parang excited na maihalal,” ayon kay Prof. Dennis Coronacion ng University of Santo Tomas sa Teleradyo.

Dagdag ng political analyst, may dating ang mga kandidatong pakipot sa mga botanteng hindi pa desidido.

“Mabenta iyong ganoong istratehiya…. Kasama ho iyan doon sa mga gimik na substitution at kung anu-ano pa,” paliwanag ni Coronacion.

Election Code flaws

Ayon pa sa news.abs-cbn.com report, patunay ito ng kahinaan ng Omnibus Election Code ng bansa, paliwanag ni Dr. Fe Mendoza ng UP-National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG).

“Isa kasi ito sa flaw ng Omnibus Election Code natin, because we are allowing substitution sa last minute, sa November 15 nga ang hinihintay natin,” ayon kay Mendoza sa Teleradyo.

Aniya, inaabuso ang substitution.

“Sana iyong substitution, only on, kunwari na-incapacitate [iyong kandidato], namatay siya. Pero iyong buhay na buhay siya pero talagang place holder siya at hinihintay niya kung sino talaga at the last minute ang bonggang pupunta, ay ako na nga,” giit ni Mendoza.

Pero ayon kay Coronacion, hindi umuubra ang ganitong gimmick sa lahat ng botante.

“For some Filipino voters, ayaw nila iyan, as shown in the comments in social media… at talaga namang nadidismaya na ang Filipino voters sa mga ganyang klaseng gimik,” giit ng political analyst.

(NP)

The post Mga kandidatong pakipot bakit kinakagat ng publiko, ayon sa political analysts appeared first on News Patrol.



Mga kandidatong pakipot bakit kinakagat ng publiko, ayon sa political analysts
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments