Pinapayagan na ang mga menor de edad na makapasok sa mall sa National Capital Region kasabay ng pagpapababa ng COVID-19 restrictions sa alert level 2.
Ayon ito kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, Biyernes.
Nilinaw naman ni Abalos na ang mga lokal na gobyerno ay maaaring makapagdagdag ng guidelines tulad na lang ng dapat may kasamang magulang o guardian ang mga minor sa pagpasok sa mall.
“Personally, I believe children are allowed to go out to the malls. We have to relate it to number 1, that intrazonal and interzonal [movement] shall be allowed. However, reasonable restrictions can be imposed by LGUs,” pahayag ni Abalos sa panayam ng Inquirer.net.
“If you’re going to recall before, there was a condition set by mayors that minors should always be accompanied by their parents or any guardian. I believe that still exists,” dagdag pa ni Abalos.
Ayon pa kay Abalos na maaari na ring makakain sa al fresco resto ang mga bata, pero dapat nakasusunod ang establisimyento sa venue capacity na itinakda ng gobyerno sa Alert Level 2.
Sa ipinalabas naman na guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang mga kainan ay maaaring magbukas ng kanilang 50 porsyento ng indoor venue capacity para sa fully vaccinated individuals habang 70 percent naman para sa outdoor venue capacity.
Ang mga manggagawa naman ng establisimyento ay dapat na lahat kumpletong bakunado.
(Toni Tambong)
The post Mga bata pwede nang isama ng mga magulang sa mall sa Alert Level 2 appeared first on News Patrol.
Mga bata pwede nang isama ng mga magulang sa mall sa Alert Level 2
Source: Trending Filipino News
0 Comments