May mga bagong kagamitan at istasyon ang Philippine Coast Guard (PCG).
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa pagpapasinaya at commissioning ng karagdagang versatile asset ng PCG—ang Cessna Caravan 208 Aircraft (Multi-role Fixed Wing Aircraft) at pag-unveil sa Kalayaan Station ng ahensya sa Palawan.
Kasama rin ng pangulo sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade.
“As we bolster our connectivity in Palawan, we also look into the fortified maritime security in the area. I am glad to know that the Philippine Coast Guard (PCG) continue to be geared towards expanded presence in the West Philippine Sea and the Kalayaan Group, to safeguard Filipino fishermen who venture in the sea, for their daily livelihood,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Binigyang-diin naman ni Tugade ang mga tungkulin ng bagong nakuhang air asset at ng Kalayaan Station ng PCG na mahalaga sa pagpapalakas ng kaligtasan at seguridad ng mga hangganan ng lalawigan.
“Makikita ninyo yung ginawa ng Coast Guard sa Kalayaan Island, ‘yung facility na in-acquire ng PCG upang sa ganun magamit itong pasilidad na ito in the safety and security of our seas,” ayon pa sa kalihim.
Bukod dito, inatasan ni Pangulong Duterte si Secretary Tugade na kumuha ng mga karagdagan pang Cessna planes na ipakakalat sa iba pang lugar sa bansa para higit pang paigtingin ang kakayahan ng PCG sa pagtugon sa mga sakuna, tulad ng sa panahon ng evacuation, relief at search and rescue operations.
Ang bagong nakuhang air asset ay may kakayahan na agad tumugon realtime at maaaring magsagawa ng shore at offshore survellaince gamit ang rugged utility at flexibility feature nito kasama ang malakas nitong turboprop engine at pinakabagong avionics suite.
Agad itong gagamitin para sa malawak na hanay ng mga misyon gaya ng Search and Rescue, Maritime Patrol and Surveillance, at Air Ambulance utility roles.
Ang mga proyektong ito ay bahagi ng modernisasyon ng PCG.
(Jocelyn Domenden)
The post Coast Guard, may bagong air assets at istasyon sa West Phippine Sea appeared first on News Patrol.
Coast Guard, may bagong air assets at istasyon sa West Phippine Sea
Source: Trending Filipino News
0 Comments