Mahigit 9,000 violators, sinita sa unang araw ng Alert Level 2 sa NCR

(File photo)

Naitala ng Philippine National Police (PNP) ang 9,451 paglabag sa health protocols laban sa COVID-19 sa unang araw ng pagpapatupad ng Alert Level 2 sa Metro Manila kahapon, November 5.

Ayon kay PNP Director General Guillermo Eleazar maraming taong lumabas mula sa kanilang bahay sa unang araw ng pagluluwag ng restrictions.

“Kahapon nakapagtala tayo ng 9,451 na violations. [Sa] Alert Level 3 sa Metro Manila from October 16 to November 4, ang average daily noon is 9,746. So we can say na bahagyang bumaba siya,” pahayag ni Eleazar sa Laging Handa public briefing.

Sinabi pa ni Eleazar na 10 porsyento ng paglabag kahapon ay kaugnay sa curfew.

Matatandaang nitong November 4 ay inalis na ang curfew sa Metro Manila.

Pero ang lokal na pamahalaan ay maaari pa ring magpataw ng curfew para sa minors sa pamamagitan ng ordinansa.

Sa kabila ng pagluluwag sa galaw ng tao, tiniyak naman ni Eleazar na mananatili ang pagpapatupad ng health standards para maiwasan ang hawaan ng coronavirus disease.

“Nagluwag sa movements at restrictions ang ating mga kababayan pero hindi tayo nagluwag [sa law enforcement]. In fact, naghihigpit tayo in so far as implementation nitong health protocols kapag sila ay nasa labas,” paliwanag ni Eleazar.

(NP)

The post Mahigit 9,000 violators, sinita sa unang araw ng Alert Level 2 sa NCR appeared first on News Patrol.



Mahigit 9,000 violators, sinita sa unang araw ng Alert Level 2 sa NCR
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments