Dating Maguindanao representative Didagen Dilangalen, pumanaw na

(Photo courtesy: politics.com.ph)

Pumanaw na ang dating Maguindanao lawmaker na si Didagen “Digs” Dilangalen ngayong Sabado ng umaga, ayon sa kanyang pamilya.

Ibinalita ito ni Bai Donna Dilangalen, anak ng mambabatas, sa kanyang Facebook post.

“My father has already passed away at around 8:38 in the morning… We sincerely ask for your prayers in this trying time,” saad ni Bai Donna.

Wala nang nabanggit na ibang detalye ukol sa pagkamatay ng mambabatas.

Si Dilangalen ay nagsilbing mambabatas sa unang distrito ng Maguindanao sa tatlong sunud-sunod na termino mula 1995 hanggang 2004.

Siya rin ang lone representative ng Shariff Kabunsuan sa 14th Congress mula 2007 hanggang 2010.

Naging tagapagsalita si Dilangalen ni dating pangulong Joseph Estrada noong 2004.

Noong 2016 national elections, siya ang legal counsel ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa canvassing of votes sa pagka-presidente at bise presidente sa Kongreso.

Si Dilangalen ay tumakbo pero natalo bilang senador noong 2004.

(NP)

The post Dating Maguindanao representative Didagen Dilangalen, pumanaw na appeared first on News Patrol.



Dating Maguindanao representative Didagen Dilangalen, pumanaw na
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments