Mahigit 48,000 indibidwal, lumabag sa quarantine protocol sa araw ng undas ayon sa PNP

(File photo: Manila South Cemetery)

Nakapagtala ang Philippine National Police ng higit 48,000 indibidwal sa buong bansa ang lumabag sa quarantine protocol sa gitna ng paggunita ng All Saints’ Day.

Sa pangkalahatang datos mula October 16 hanggang November 1, umabot na ang mga naitalang lumabag sa protocol sa 820,983.

Sa naturang bilang, 166,277 ay mula sa Metro Manila kung saan 10,230 violators ang naitala kahapon, November 1.

Ang 652,917 nito ay lumabag sa public health standards tulad ng pagsusuot ng face masks at face shields gayundin ang pagpapanatili ng physical distancing.

Nasita rin ang 101,120 curfew violators at 33,948 ang non-authorized persons ang outside of residence.

Sa kabuuang bilang ng mga lumabag, nasa 80 porsyento nito ang binigyan ng warning habang 13 porsyento naman ang pinagmulta.

Sumailalim naman sa community service ang walong porsyento ng mga lumabag.

Ipinatupad ang pagsasara ng mga sementeryo sa buong bansa  mula Oct. 29 hanggang ngayong araw, Nov. 2, para mabawasan ang posibleng hawahan ng COVID-19.

(Toni Tambong)

The post Mahigit 48,000 indibidwal, lumabag sa quarantine protocol sa araw ng undas ayon sa PNP appeared first on News Patrol.



Mahigit 48,000 indibidwal, lumabag sa quarantine protocol sa araw ng undas ayon sa PNP
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments