Magbabantay na pulis sa dinagsang Ugbo Street sa Tondo, Maynila, dinagdagan pa

(Photo: Dong del Mundo)

Matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng ilang taong walang suot na face mask at makikita rin ang pagsisik-sikan  kung saan hindi nasunod ang physical distancing sa Ugbo Street sa Tondo, Maynila nitong nakaraang Linggo, nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na magbabantay sa lugar.

“Agad na gumawa po tayo ng bagong detail kung saan nag-allocate tayo ng around 20 police personnel para siguraduhin natin na ime-maintain natin iyong social distancing, pagsusuot ng face mask para masiguro natin ang safety ng publiko,” pahayag ni Manila Police District Station Commander PLt. Col. Cenon Vargas sa panayam sa radyo.

Kilala ang lugar dahil sa mga kainan at karaniwang marami ang bumibisita sa Ugbo Street tuwing weekend.

Ayon kay Vargas, binabantayan na ng mga pulis ang lugar pero biglang dumagsa ang mga tao dahil long weekend.

“Nagkataon po na long weekend kaya ang mga tao ay dinagsa at agad naman natin ‘tong inaksiyunan kung saan ang ating hepe doon sa lugar ay inaatsan natin agad na i-clear yung arwa,” dagdag pa ni Vargas.

Panawagan naman ng opisyal sa mga pumupunta sa lugar na sundin ang mga health protocol.

“Nananawagan po kami sa lahat ng nais bumisita sa Ugbo, lalong-lalo tuwing weekend, na isa po sa mahalagang ipinatutupad natin doon ay siguraduhin natin na tayo sa safety health standard. Ito nan ga po iyong pagsusuot ng face mask, face shield, at makabubuti na i-obesrve yung social distancing.

Dagdag din ni Vargas sa mga nanggagaling pa sa mamalalayong lugar na gustong maranasan ang pagpunta sa Ugbo Food Park na maging responsable.

“Dapat isaalang-alang natin lagi ang kaligtasan na pag nakita nila na talagang marami ng tao, eh much better na magksusa na sila,” saad pa ni Vargas.

 

(NP)

Photos: Dong Del Mundo

 

 

 

 

 

 

The post Magbabantay na pulis sa dinagsang Ugbo Street sa Tondo, Maynila, dinagdagan pa appeared first on News Patrol.



Magbabantay na pulis sa dinagsang Ugbo Street sa Tondo, Maynila, dinagdagan pa
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments