Libu-libong bakuna kontra COVID-19, natupok sa sunog sa Zamboanga Del Sur

(Photo credit: Zamboanga del Sur Provincial Information Officer Jess Himang)

Humigit-kumulang 150,000 doses ng COVID-19 vaccines ang kasamang natupok sa sunog sa Provincial Health Office of Zamboanga del Sur noong Linggo, Oct. 31.

Ayon sa joint statement ng Dept. Of Health at ng National Task Force Against COVID-19, sa inisyal na report, nasa 148,678 jabs ang nadale sa sunog.

Halos 88,938 sa mga bakunang ito ay mula Pfizer, 36,164 ang Sinovac, 14,400 Moderna at 9,176 ang AstraZeneca.

Nasunog ang tatlong palapag na health office building ng probinsya hatinggabi nitong Linggo.

Ang gusali ang siyang nagsisilbing cold chain storage facility para sa COVID-19 vaccines ng 26 na munisipalidad at isang syudad ng Zamboanga del Sur.

Sa kabila nito siniguro ng DOH at NTF sa mga Zamboanga na mapapalitan ang mga nasirang bakuna oras pwede na uling gamitinang gusali bilang storage facility.

(NP)

The post Libu-libong bakuna kontra COVID-19, natupok sa sunog sa Zamboanga Del Sur appeared first on News Patrol.



Libu-libong bakuna kontra COVID-19, natupok sa sunog sa Zamboanga Del Sur
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments