Pabor ang mga mall operator sa Metro Manila sa panukalang palawigin ang operasyon ng kanilang establisimyento.
Layon nitong maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Edsa at iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.
“It’s more of anticipating traffic in the future because of shopping. Alam naman natin it’s the season of November, December yung mga shopping diyan e. The thing is, mahirap na magsiksikan tayo within the rush hours or peak hours,” ayon pa kay Abalos sa interview ng Inquirer.net sa telepono.
“To spread the time, that’s the main purpose of this,” dagdag pap ni Abalos.
Ipinanukala ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang 11 pm o hanggang 12 midnight na extension ng pagbubukas ng mga mall.
Nagpulong na sina Abalos at mga mall operator at tinalakay ang extension ng mall hours.
Walang sale mula Lunes hanggang Biyernes at dapat gabi ang papayagang oras ng mga delivery.
Karaniwang nagbubukas ang mga mall ng 10 am hanggang 9 pm.
(NP)
The post Mall operators, pabor sa extended mall hours ayon kay MMDA Chairman Abalos appeared first on News Patrol.
Mall operators, pabor sa extended mall hours ayon kay MMDA Chairman Abalos
Source: Trending Filipino News
0 Comments