(File photo)
Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta dahil sa mga kukumpunihing bahagi ng EDSA mula November 5 hanggang 8.
Ayon sa MMDA, ang mga isasarang kalsada ay ang sumusunod:
- EDSA bago ang Annapolis papuntang Boni Serrano flyover, northbound second lane mula sa center island sa Quezon City
- EDSA-Tramo flyover sa Pasay City
Nagsimula ang road reblocking at repairs kagabi bandang 11 p.m. at matatapos sa Lunes, November 8 bandang 5 a.m.
Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nasabing daan upang hindi maantala ang biyahe.
(Toni Tambong)
The post Ilang daan sa EDSA, isinara para sa reblocking at repair appeared first on News Patrol.
Ilang daan sa EDSA, isinara para sa reblocking at repair
Source: Trending Filipino News
0 Comments