Iniulat ng Department of Health (DOH) na mas mababa sa isang porsyento ang nakaranas ng side effects sa mga binakunahang edad 12 hanggang 17 laban sa COVID-19, o halos 3 sa 1,000 katao.
“As of November 2, 2021, there are 40,419 adolescents vaccinated, of which 0.27% reported an adverse event following immunization, most of which are mild and temporary,” pahayag ng ahensya.
Ito ay katumbas ng 109 na mga batang naturukan mula sa kabuuang bilang.
Kabilang sa mga reaksyong ito ang lagnat, sakit sa parteng tinurukan at sakit ng ulo, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
“Mayroon po tayong tatlo na serious considered dahil sa allergies. Binibigyan sila ng epinephrine. They were managed and they were well after. So wala po tayong deaths,” dagdag pa ni Vergeire.
Samantala, sinabi ng DOH na hindi kinakailangan ng medical certificates para sa mga menor de edad na magpapabakuna.
Kailangan lamang magpakita ng valid ID at dokumentong nagpapatunay ng family relationship o guardianship sa pagitan ng bata at kanilang kasama.
Samantala, kinakailangan naman magpresenta ng mga menor de edad na may comorbidities ng medical certification mula sa kanilang doktor.
Matatandaang nagsimula ang vaccination rollout sa minors nitong linggo, kasunod ng pilot vaccination para sa mga batang may comorbidities sa Metro Manila na sinimulan noong October 15.
(Toni Tambong)
The post 3 sa bawat 1000 bata, nagka-side effect sa COVID-19 vaccine appeared first on News Patrol.
3 sa bawat 1000 bata, nagka-side effect sa COVID-19 vaccine
Source: Trending Filipino News
0 Comments