Lima patay, isa sugatan sa pamamaril sa Camarines Sur

(Photo courtesy: Angelus Abugao/Mico Bringino via Pasada Rinconada Camarines Sur)

Patay ang limang tao at isang menor de edad ang sugatan matapos paulanan ng bala ang dalawang bahay sa Barangay Tarusahan sa Milaor, Camarines Sur, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga napatay na sina Romeo de Leon, 72, ang dalawa niyang apo na sina Ruby Britanico, 9, at Gabby John Britanico, 6, ang kapitbahay na si Samuel Coabilla, 21, at isang pitong taong gulang na bata.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang 5:45 ng hapon nang biglang pasukin ang kanilang bahay ng hindi pa nakikilalang suspek at sila ay pinaputukan ng bala gamit ang M16 rifle.

Naunang pinasok ang bahay ng pamilya De Leon at sinunod ang kapitbahay.

Pinaghahanap pa ang suspek na ayon sa otoridad ay kaanak ng mga biktima.

Ayon sa pulisya, alitan sa lupa ang tinitingnang motibo sa pagkakapaslang sa mga biktima.

(NP)

 

The post Lima patay, isa sugatan sa pamamaril sa Camarines Sur appeared first on News Patrol.



Lima patay, isa sugatan sa pamamaril sa Camarines Sur
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments