(File photo)
Target ng pamahalaan na bakunahan ang nasa limang milyong Pinoy sa three-day “National Vaccination Day” na ikakasa ngayong buwan ng Nobyembre, ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang gobyerno ay nakatakdang magsagawa ng magkakasabay na mass vaccination activities, batay sa ulat ng The Philippine Star.
“We are now on initial planning and coordination stages. This will be whole-of-government activities and all agencies will be mobilized to reach the five million (vaccinees),” pahayag ni Vergeire.
Dagdag pa ni Vergeire hihingi sila ng tulong sa healthcare workers mula sa public at private sectors kabilang ang mga self-employed.
Ang vaccination sites ay palalawakin din kung saan kabilang ang mga tanggapan ng gobyerno, malls at iba pang pampublikong lugar.
Sinabi ni Vergeire na nakausap na ng DOH ang local government units na siyang katulong para isagawa ang programa.
Ang kampanya ay hindi lamang para sa malawakang pagbabakuna kundi para bigyang-daan rin ang dayalogo kasama ang mga eksperto para ipaliwanag ang kahalagahan ng pagbabakuna.
Ang malawakang vaccination drive ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan para makamit ang “population protection” bago matapos ang taon.
Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 28,718,856 indibidwal na ang fully vaccinated o 26.06% ng kabuuang populasyon.
(NP; with report from Toni Tambong)
The post 5M Pinoys target bakunahan sa 3-day COVID-19 vaccination drive appeared first on News Patrol.
5M Pinoys target bakunahan sa 3-day COVID-19 vaccination drive
Source: Trending Filipino News
0 Comments