Ilang Chinese vessels, umatras na mula sa Ayungin Shoal ayon sa AFP

(Photo Courtesy: Screengrab from PTV FB)

Ilang barko na ng China ang umatras mula sa Ayungin Shoal, ayon sa ulat ng opisyal ng militar.

Matatandaang ilang Chinese vessel ang humarang at nangbomba ng tubig sa dalawang supply boat ng Pilipinas noong isang linggo.

Sinabi ni Vice Admiral Roberto Enriquez, commander ng Armed Forces of the Philippines’ Western Command (WesCom) sa ulat na nasa dalawang Chinese vessels na lamang ang natitira sa lugar kaninang alas-12 ng hatinggabi.

“Ang kagandahan lang, namataan namin ‘yung Chinese militia vessels du’n (Ayungin Shoal) nag-alisan na ng hatinggabi. Ang Chinese Coast Guard ay naging dalawa na lang,” pahayag ni Enriquez.

Kasabay ng kanyang pahayag ay ang pag-anunsyo niyang mas marami pang bangka ang ipadadala sa Ayungin Shoal matapos ayusin ang mga ito.

“So pakiramdam ko may ibang mensahe na nakarating sa bansang China kaya nag-pull out na ‘yung ibang sasakyang pandagat doon,” dagdag pa ni Enriquez.

Matatandaan din na mariing inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang kanyang pagkondena sa nasabing insidente sa Ayungin Shoal.

(Toni Tambong)

The post Ilang Chinese vessels, umatras na mula sa Ayungin Shoal ayon sa AFP appeared first on News Patrol.



Ilang Chinese vessels, umatras na mula sa Ayungin Shoal ayon sa AFP
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments