(Photo Courtesy: Sen. Ping Lacson Ofc)
Personal na naranasan ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson ang pagtataboy ng mga awtoridad ng China sa kanilang eroplano, nang bumisita siya sa Pag-asa Island sa Kalayaan, Palawan nitong Sabado, November 20.
“This is Chinese Navy. You are approaching our military alert zone. Please stay away in the area and leave immediately misjudgement,” maririnig sa bahagi ng video kung saan sinita ng mga dayuhan ang mga piloto na si Capt. John Donguines at co-pilot nito na si Geo Villacastin ng Air Taxi Philippines.
Maririnig din sa video na sinabi ng sumitang dayuhan kay Donguines, na bawal sa eroplano kung saan sakay si Lacson, na magpatuloy sa paglipad sa lugar.
Naging kalmado ang dalawang piloto at hindi direktang sinagot ang radio communication ng mga dayuhang puwersa.
Hinintay nila ang tawag ng mga awtoridad ng Pilipinas na nakabase sa Pag-asa control tower para kilalanin ang kanilang pagdating sa isla.
Tuloy-tuloy ang pagbabanta ng mga awtoridad ng China hanggang sa makalapit ang eroplanong sinakyan ni Lacson sa isla ng Pag-asa.
(Estrella Bueno)
(Photo/Video Courtesy: Sen. Ping Lacson Ofc)



The post Eroplanong sakay si Sen. Ping Lacson, pinagbantaan ng Chinese Navy appeared first on News Patrol.
Eroplanong sakay si Sen. Ping Lacson, pinagbantaan ng Chinese Navy
Source: Trending Filipino News
0 Comments