(Photo courtesy: Screengrab PTV)
Magkakasunod na dumating sa Pilipinas ang mahigit 5 milyong doses ng bakuna nitong Biyernes, Nov. 19.
Bandang hapon nang dumating ang matagal nang hinihintay na 2,800,000 doses ng Sputnik V ng Russia.
Kasabay nito ay donasyon na 5,000 doses ng Sputnik light.
Ang Sputnik Light ay single dose vaccine na ginawa rin ng Gamaleya.
Dumating din ang 609,570 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine na binili ng gobyerno.

(Photo courtesy: PNA)
Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bandang 9 p.m.
Nauna nang dumating kahapon, Biyernes, ang kalahati ng shipment nito sa kaparehas na bilang.
Sumunod na dumating ang nasa 1,306,000 dose ng Moderna.
Ayon kay NTF special adviser Dr. Teodoro Herbosa, ang bagong dating na bakuna ay gagamitin para sa simultaneous vaccination activities simula sa November 29 hanggang December 1.
“The good news is that last week we vaccinated 5.5 million doses in one week, so I think we even reached about 1.2 million in a day and we had three days that had over 1 million, so I hope we can continue that this week,” pahayag ni Herbosa.
(Toni Tambong)
The post Higit 5M doses ng Sputnik at Pfizer vaccines dumating sa Pilipinas appeared first on News Patrol.
Higit 5M doses ng Sputnik at Pfizer vaccines dumating sa Pilipinas
Source: Trending Filipino News
0 Comments