Maaaring pumili ang mga senior citizen at immunocompromised individuals ng brand ng bakuna para sa kanilang booster shot, ayon sa opisyal ng Department of Health (DOH).
“Ito pong sa ating senior citizens at immunocompromised, titingnan ho natin if medically-indicated [ang conditions nila]. Kapag immunocompromsed, it’s going to be called a third dose, although pareho po nating ibibigay iyong choice ng homologous or heterologous para sa kanila,” pahayag ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.
Ang homologous shots ay ang pagturok ng COVID-19 vaccine ng parehong brand ng bakuna sa unang naiturok.
Heterologous shots ay pagturok ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Vergeire, nasa final stage na ang kagawaran para sa guidelines kaugnay sa booster shots.
“We will be issuing these guidelines in the coming days,” dagdag pa ni Vergeire.
Sa ngayon, mga healthcare workers na kumpletong bakunado pa lamang ang eligible para sa booster shots.
Mula nang magsimula nitong Martes, Nov. 17, nasa 2,400 healthcare workers na ang nakatanggap ng booster shots laban sa COVID-19.
(NP)
The post Senior citizens at immunocompromised, puwedeng pumili ng vaccine brand ng booster shot appeared first on News Patrol.
Senior citizens at immunocompromised, puwedeng pumili ng vaccine brand ng booster shot
Source: Trending Filipino News
0 Comments