1,474 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Nov. 20

Pumalo na sa 2,824,499 ang kumpirmadong kaso ng mga nagkasakit sa bansa matapos makapagtala ng 1,474 ang Department of Health (DOH) ng panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Bahagyang bumaba ang bilang ng mga nahawaan kumpara kahapon na 1,485.

May naitalang 2,565 na gumaling at 205 ang namatay.

Ito na ang ika-sampung araw na mababa sa 2,000 ang naitatalang nahawaan ng virus.

Umabot naman sa 22,070 (0.8%) ang aktibong kaso sa bans.a

Nasa 2,755,526 (97.5%) na ang gumaling at 46,903 (1.66%) naman ang namatay.

Ang positivity rate ay 3.2% base sa samples collected mula sa 38,636 indibidwal noong Huwebes, Nov. 18.

Sa pinakabagong ulat ng DOH, may dalawang laboratoryo ang hindi operational noong November 18, 2021 at dalawang  laboratoryo ang hindi  nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Medyo bumaba pa rin ang bilang ng kaso. “Yung 7-day average natin sa Pilipinas is now 1,400. Ine-expect natin baka maging less than 1,000 pa iyan by the end of the month,” pahayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David.

(NP)

 

The post 1,474 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Nov. 20 appeared first on News Patrol.



1,474 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Nov. 20
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments