(Photo: Christian Heramis)
Nagkilos-protesta ang healthcare workers mula sa mga pampublikong ospital sa tanggapan ng Department of Health (DOH).
Ito’y upang ipanawagan ang kanilang allowances at benepisyo para sa kanilang pagtatrabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa nagkilos-protesta ay health workers mula Tondo Medical Center, Jose Reyes Memorial Medical Center at mga miyembro ng Alliance of Health Workers.
Kinukuwestiyon nila si Health Sec. Francisco Duque III dahil sa hindi pa naibibigay na 70% na bahagi ng ipinangakong allowances at benepisyo.
Umaalma ang health workers dahil sa press releases ni Duque ay ipapamahagi na umano ito sa lalong madaling panahon.
Tanong nila, ano ang gagawin ni Duque sa naiwang higit sampung bilyong pisong pondong bahagi ng special risk allowances at hazard pay ng health workers.
Dahil dito ay hiniling nila na umalis na lamang o tanggalin na sa puwesto si Duque dahil anila sa mga kapalpakan.
(Christian Heramis)



The post Healthcare workers mula sa public hospitals, nagprotesta sa DOH appeared first on News Patrol.
Healthcare workers mula sa public hospitals, nagprotesta sa DOH
Source: Trending Filipino News
0 Comments