DepEd: Face-to-face classes sa NCR, posibleng sa 2022 pa masimulan

(Photo: Dong del Mundo)

Posibleng sa susunod na taon pa magbubukas para sa in-person classes o face-to-face classes ang mga paaralan sa Metro Manila.

Ito ang sinabi ng Department of Education (DepEd), Martes, November 23, kung saan nakadepende umano ito sa magiging risk assessment at kalagayan ng COVID-19 sa rehiyon.

Matatandaan na ang expansion phase ay ang ikalawang bahagi ng three-part plan ng pamahalaan na ibalik ang face-to-face classes sa mga paaralan sa bansa matapos ang halos dalawang taon na isinagawa ang distance learning dahil sa pandemya.

Sa ngayon ay nasa 120 na mga paaralan pa lamang ang pinayagang magsagawa ng limited in-person classes bilang bahagi ng pilot phase nito.

“Nakahanda naman iyong listahan namin [ng schools], ‘pag favorable ang risk assessment,” sabi pa ni Education Secretary Leonor Briones sa isang online press briefing.

Ayon kay Briones, nagdadalawang-isip pa ang ilang local government units (LGUs) sa Metro Manila na ibalik ang mga estudyante sa mga paaralan.

“Even in NCR (National Capital Region), there are still those who are reflecting and thinking very seriously, especially iyong areas na marami ang schools,” sabi oa ni Briones.

Sa ngayon ay ang Taguig City pa lamang ang nakikita nilang ideal para sa pagbabalik ng in-person learning o face to face classes.

(Toni Tambong)

The post DepEd: Face-to-face classes sa NCR, posibleng sa 2022 pa masimulan appeared first on News Patrol.



DepEd: Face-to-face classes sa NCR, posibleng sa 2022 pa masimulan
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments