(Photo courtesy: FDA)
Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko at healthcare professionals na huwag bumili at gumamit ng hindi sertipikadong COVID-19 test kits.
Sa FDA Advisory No.2021-2638, partikular na pinag-iingat ng regulatory board laban sa Norman Biological Technology Novel Corona Virus (2019-NCOV) Antigen Testing Kit (Colloidal Gold).
Ayon sa FDA, base sa kanilang post-marketing survellaince ang nasabing antigen test kits ay hindi sertipikado at walang Special Certification.
Batay sa Food and Administration Act of 2009, ang pagbebenta, importation, exportation, manufacture, pag-alok ng for sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising o sponsorship ng health products ng walang tamang otorisasyon ay ipinagbabawal.
Ayon pa sa FDA, wala ring katiyakan na ligtas at epektibo ang nasabing test kits dahil hindi ito dumaan sa tamang evaluation.
Binalaan ng FDA ang mga establisimyento na huwag magbenta o mag-advertise ng nasabing kits nang walang pag-apruba mula sa ahensya dahil may kaakibat itong aksyon at parusa.
Nanawagan din ang FDA sa mga law enforcement units at LGUs na tiyaking hindi naibebenta ang nasabing produkto sa kanilang mga nasasakupan.
(Jocelyn Domenden)
The post FDA, nagbabala sa publiko sa pagbili ng COVID-19 Antigen Test Kits appeared first on News Patrol.
FDA, nagbabala sa publiko sa pagbili ng COVID-19 Antigen Test Kits
Source: Trending Filipino News
0 Comments