Duterte sa LGUs: Gumawa ng ordinansa ukol sa paglabas ng mga bata

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government unit na gumawa ng ordinansa na maghihigpit sa mga kabataan na 12-anyos pababa sa paglabas at pagpunta sa malls.Screengrab PTV FB)

Sa kanyang Talk to the People kagabi, November 15, umapela ang Pangulo sa mga magulang na pagbawalan ang kanilang mga anak na lumabas ng bahay lalo na iyong mga hindi pa bakunado dahil “walang defense mechanism” ang mga ito laban sa virus.

“Alam ko kayong mga magulang, gustong-gusto ninyo ipasyal ang anak ninyo after staying at home due to lockdown pero kung isipin ninyo, kung maliliit pa ang anak ninyo at ‘di pa bakunado, do not expose them to the virus,” ayon sa Pangulo.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos na makatanggap ng ulat na may dalawang taong gulang na batang lalaki ang nagpositibo sa virus makaraang bumisita sa isang mall.

Kasunod nito, nanawagan din ang Pangulo sa LGUs na agad na umaksyon sa paghihigpit sa mga hindi pa bakunadong kabataan laban sa COVID-19.

“On this note, I am calling all LGUs to consider passing ordinances for age restriction against minors who can be allowed in going to mall. We cannot allow those below 12 years old or those unvaccinated to be exposed to the risk of COVID-19 in public places,” ayon pa sa Pangulo.

(Toni Tambong)

The post Duterte sa LGUs: Gumawa ng ordinansa ukol sa paglabas ng mga bata appeared first on News Patrol.



Duterte sa LGUs: Gumawa ng ordinansa ukol sa paglabas ng mga bata
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments