Comelec: Higit kalahati ng 97 presidentiables, “nuisance candidate”

Mahigit kalahati sa 97 presidential aspirants ang maaaring tanggalin sa listahan ng mga kandidato dahil itinuturing silang ‘nuisance’, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

“We had 97 filers for president and it looks like more than half of that might be removed as nuisance,” pahayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang press briefing.

Dagdag pa niya, naihain na umano ang motu propio cases para sa deklarasyon bilang nuisance candidates laban sa 82 mula sa 97 presidential aspirants, 15 naman mula sa 29 para sa pagka-Bise Presidente at 108 sa 176 na tatakbong senador.

Nakasaad sa Section 69 ng Omnibus Election Code na maaaring mag-motu proprio o kaya naman ay tumangging ikansela ang certificate of candidacy ng isang indibidwal, matapos ang masusing pagsusuri.

Target naman ng Comelec na mailabas ang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa 2022 elections sa December.

(Toni Tambong)

The post Comelec: Higit kalahati ng 97 presidentiables, “nuisance candidate” appeared first on News Patrol.



Comelec: Higit kalahati ng 97 presidentiables, “nuisance candidate”
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments