May pinatatamaan si Pangulong Duterte sa mga kakandidatong pangulo sa 2022.
At ang akusasyon niya, nagdodroga raw ito at bigatin dahil ang gamit ay cocaine.
“There’s even a presidential candidate na nag-cocaine… May kandidato tayo na nagko-cocaine ‘yan, mga anak ng mayaman,” sabi ni Duterte sa kanyang speech sa harap ng anti-insurgency task force.
Hindi pinangalanan ng pangulo ang nasabing presidential aspirant.
Bukod sa pagdo-droga, kinuwestyon din ni Duterte ang nagawa ng tinutukoy niyang presidential aspirant.
“Kaya nga nagtaka ako, anong nagawa, anong nagawa ‘yong taong ‘yan? I’m just asking. What contribution has he made para sa Pilipinas?”
Hindi rin umano maintindihan ng pangulo kung bakit tila malakas ang suporta ng sa nasabing presidential wannabe.
“Ang tatay—pero siya, anong ginawa niya? He might win hands down, okay. If that is what the Philippines wants, go ahead, basta alam ninyo,” ayon pa kay Duterte.
“Bahala kayo kung anong gusto n’yong tao. Inyo ‘yan. Ang akin lang, pagdating ng panahon, basta sinabi ko sa inyo and he is a very weak leader ang character niya, except for the name,” saad ng pangulo.
Kasabay nito, muling binigyang diin ni Duterte na ang kandidato niya sa pagka-presidente ay si Sen. Bong Go.
Hindi nagustuhan ni Duterte ang pagtakbo ng kanyang anak na si Sara para sa pagka-bise presidente at ka-tandem ng presidential aspirant na si Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa pangulo, dismayado siyang tatakbo lang sa pagka-bise presidente ang anak gayong ito ang nangunguna sa mga nakaraang survey ng presidentiables.
(NP)
The post Duterte: Nagdo-droga ang isang presidential aspirant appeared first on News Patrol.
Duterte: Nagdo-droga ang isang presidential aspirant
Source: Trending Filipino News
0 Comments