Inilabas na ng Comelec ang implementing rules and regulations (IRR) para sa pagpapatupad ng Fair Election Act sa dating na eleksyon sa 2022.
Bahagi ng IRR ang mga patakaran para sa pangangampanya sa pamamagitan ng social media, mobile at online platforms.
Isa sa mga requirement ay ang pagpaparehistro ng mga political party at kandidato sa Comelec Education And Information Department ng mga website at web address ng mga verified official account, website, blog at iba pang social media pages nila 30 araw mula sa last day ng filing ng COC.
Base sa IRR, ang mga iparerehistrong online entity lang ang pwede nilang gamitin sa political ads.
Kailangan ding ireport ang detalye ng kanilang mga kasunduan pati ang mga political advertisement sa pamamagitan ng paid digital influcencers at online content creators.
Pagdating naman sa pangangampanya sa pamamagitan ng traditional media, 120 minutes TV airtime ang nakalaan sa bawat kandidato para sa national positions.
180 minutes naman ang para sa radio airtime.
Sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon, 60 minutes TV airtime at 90 minutes sa radyo.
Kung sa pahayagan naman, national o local candiate, one-fourth ng pahina ang pinapayagan ng Comelec para sa political ads sa mga broadsheet at kalahating pahina naman sa tabloid.
Dapat nakasulat din sa political ad ang pangalan ng donor o kung sino ang bumili ng nasabing espasyo sa dyaryo.
(NP)
The post Comelec, naglabas ng panuntunan para sa pangangampanya sa traditional at social media appeared first on News Patrol.
Comelec, naglabas ng panuntunan para sa pangangampanya sa traditional at social media
Source: Trending Filipino News
0 Comments