Creative Fridays, aarangkada na sa Baguio City sa pagdiriwang ng Ibag’iw Festival 2021

Aarangkada na bukas, Nov. 5, ang Creative Fridays sa Baguio City.

Ito ay serye ng mga seminar/workshops na gaganapin tuwing Biyernes ng buong buwan ng Nobyembre kaugnay ng pagdiriwang ng Ibag’iw Creative Festival 2021.

Iba’t ibang paksang makadaragdag sa kaalaman at pagkamalikhain ang ibabahagi ng mga eksperto sa nasabing Creative Fridays series na pinangangasiwaan ng iba’t ibang mga government at educational institutions sa Baguio.

Ilan sa mga nakalinya para sa Creative Fridays series ay ang:
-How to do online business
-Financial literacy
-Visual Merchandising
-Basic Architectural design and landscaping of tourism properties
-Animation 101

Idaraos ang formal opening ceremony ng Ibag’iw Creative Festival 2021 sa Baguio Convention Center sa Nov. 12 na pangungunahan ni City Mayor Benjamin B. Magalong at mga opisyal ng lungsod.

Samantala, keynote speaker naman si DTI Sec. Ramon Lopez.

Masasaksihan din sa opening ceremony ang pagtatanghal ng mga traditional at local performing artist kasunod ang pagbubukas naman ng contemporary art exhibit “Alimuom” sa Baguio Convention Center Basement Gallery. Tatakbo ang exhibit hanggang Dec. 12, 2021.

Ito ang ikaapat na taong pagdiriwang ng Ibag’iw Creative Festival bilang pagiging bahagi ng Baguio City sa UNESCO Creative Cities Network.

(NP)

 

The post Creative Fridays, aarangkada na sa Baguio City sa pagdiriwang ng Ibag’iw Festival 2021 appeared first on News Patrol.



Creative Fridays, aarangkada na sa Baguio City sa pagdiriwang ng Ibag’iw Festival 2021
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments