Hindi na kailangan ang RT-PCR test para sa mga turistang kumpletong bakunado para makapasok sa isla ng Boracay, ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores
“I’m happy to report na by November 16, next week, tatanggalin na namin yung requirement ng RT-PCR test sa mga lahat na pumupunta ng Boracay,” pahayag ni Miraflores sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo
Ang kailangang gawin ng mga bibisitang turista ay magpakita ng vaccination certificate na makukuha sa website ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Tatanggapin din ang vaccination cards mula sa local government units.
“In the absence ng dalawang iyan, puwede rin silang kumuha ng vaccination certificate sa issuing LGU para makita namin kung saan talaga sila nagpabakuna,” dagdag pa ni Milaflores.
Ayon pa kay Miraflores, 94% ng kanilang tourism workers sa isla ang kumpletong bakunado laban sa COVID-19.
(Toni Tambong)
The post COVID-19 test hindi na kailangan sa Boracay simula November 16 appeared first on News Patrol.
COVID-19 test hindi na kailangan sa Boracay simula November 16
Source: Trending Filipino News
0 Comments