COVID-19 cases sa bansa, tuloy sa pagbaba; ikalawang araw na naitalang mas mababa sa 2,000

Sa ikalawang magkasunod na araw, nakapagtala ang bansa ng Covid-19 cases na mas mababa sa 2,000 kaso.

Ayon Department of Health, nakapagtala ito ng 1,766 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw, November 4.

Umakyat naman sa 2,795,642 ang kabuuang kaso sa bansa.

Mayroong  naitalang 2,591 na gumaling at 239 na pumanaw ngayong araw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.3% (37,159) ang aktibong kaso, 97.1% (2,714,658) na ang gumaling, at 1.57% (43,825) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 2, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala, sinabi naman ng Octa research group na na-reversed na ang Covid-19 surge sa National Capital Region (NCR).

Matatandaang nagkaroon ng Covid-19 surge bansa dahil sa Delta variant noong September.

“We have reversed the Delta surge already in the NCR. We are back to where we were before the surge in July,” OCTA fellow Guido David said in an online media forum.

Sa nakalipas na pitong araw, ang NCR ay mayroong average na  630 cases daily, sabi pa ni Guido.

Sinabi naman ng Department of Health  na ang impeksyon sa Metro Manila ay nag-peak noong Sept 5-11, kung saan umabot sa  5,714 ang naitalang kaso ng infection.

Sa kasalukuyan any nasa ilalim ng Alert Level 3 ang NCR hanggang  November 14 dahil na rin sa g bumubuting sitwasyon sa rehiyon.

Suportado naman ng OCTA ang mas maluwag na Alert level 2 sa NCR sa November 15.

 

The post COVID-19 cases sa bansa, tuloy sa pagbaba; ikalawang araw na naitalang mas mababa sa 2,000 appeared first on News Patrol.



COVID-19 cases sa bansa, tuloy sa pagbaba; ikalawang araw na naitalang mas mababa sa 2,000
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments