Babae, nanganak sa eroplano habang bumibyahe mula Qatar papuntang Pilipinas

(Photo credit: Cielo Villaluna, PAL spokesperson)

Nagsilang ng sanggol na babae ang isang pasahero Ng PAL sa loob mismo ng Eroplano mula Doha patungong Manila.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna pinasakay ang pasahero mula Doha patungong manila kung saan sinabi nito na pitong buwan lamang siyang buntis.

Subalit habang naglalakbay na sila sa himpapawid ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan ang pasaherong kinilalang si Teresa May Buiza na agad naman sinakluluhan ng cabin crew ng PAL Kasama ang isang registered nurse kung saan nagsilang ito ng isang malusog na sanggol na babae.

Ayon pa Kay Villaluna Ipinanganak si Baby Scarlett Ann ng 7:20AM kahapon dalawa’t kalahating oras bago dumating sa Maynila.

Agad naman inalalayan ng MIAA medical team ang mag Ina ng lumapag ang Eroplano sa NAIA bago dinala sa pabella hospital para mabigyan ng karagdagang atensyon medical ang mag Ina.

 

(Dong Del Mundo)

 

 

The post Babae, nanganak sa eroplano habang bumibyahe mula Qatar papuntang Pilipinas appeared first on News Patrol.



Babae, nanganak sa eroplano habang bumibyahe mula Qatar papuntang Pilipinas
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments