(Photo courtesy: Gavi.org)
Patuloy ang gobyerno sa pagsasagawa ng mga research study at clinical trial hinggil sa coronavirus disease (COVID-19) vaccines na inaangkat ng Pilipinas mula sa ibang bansa.
Sa laging handa briefing, sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) vaccine expert panel head Dra. Nani Gloriani na kailangang magpatuloy ang kanilang mga pag-aaral ukol dito lalo na ngayon na marami pang bagong COVID-19 vaccine ang nalilikha na mas ligtas at mas epektibo.
Kung mapapansin, puro injectable pa lamang ang mga available na bakuna sa bansa pero posible aniyang mayroon nang dumating na intra-nasal administered vaccine o iyung ipadadaan na lamang sa ilong o pagsinghot.
Sa katunayan, nagsisimula na aniya ang clinical trial ukol dito.
Giit din ni Gloriani, marami pang mga bagong darating kaya’t hindi dapat na mabahala dahil ganoon talaga ang medicinal research, kung saan may mga pagbabago at mga advanced na teknolohiya para mas ma-improve pa ang safety at efficacy ng isang COVID-19 vaccine.
(Toni Tambong)
The post Nasal COVID-19 vaccine, patuloy na inaaral sa bansa appeared first on News Patrol.
Nasal COVID-19 vaccine, patuloy na inaaral sa bansa
Source: Trending Filipino News
0 Comments