984 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, November 22

Muling bumaba ang kaso ng Covid-19 cases sa bansa ngayong araw, November 22.

Mula sa mahigit dalawang libong kaso kahapon, ngayon, wala pa ito sa isang libo.

Sa tala ng Department of Health, mayroong 984 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayon.

Ito ang ikalawang pinakamababang bilang ng nagkasakit dahil sa virus hanggang nitong November 16, kung saan mayroong 849 na nahawahan ng virus.

Sa kabuuan, umakyat na sa 2,826,853 ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa.

Mayroon namang naitalang 2,229 na gumaling at 218 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.7% (19,798) ang aktibong kaso, 97.6% (2,759,767) na ang gumaling, at 1.67% (47,288) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, dalawang  laboratoryo ang hindi operational noong November 20, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Patuloy naman sa pagpapaalala ang DOH na huwag maging kampante ang publiko sa banta ng Covid-19.

Dapat ay ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask. Maaari pa ring gumamit ng face shield, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.

Agad ding magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

(NP)

The post 984 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, November 22 appeared first on News Patrol.



984 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, November 22
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments