33.3M Pinoy kumpletong bakunado na

(File photo)

Umabot na sa 33.3 milyong indibidwal o 39% ng eligible population sa bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na kahit ganito na ang bilang ay maituturing pa rin na malayo pa ito sa target ng gobyerno na mabakunahan ang 80% ng 109 milyong populasyon bago sumapit ang May 9, 2022.

Dahil dito, paiigtingin naman ng DOH ang kanilang pagbabakuna sa pamamagitan ng tatlong araw na ‘national vaccination campaign’ at tinawag na “Bayanihan, Bakunahan.”

Prayoridad aniya rito ang mga hindi pa bakunadong indibidwal ngunit hindi pa napagdedesisyunan kung isasama rito ang booster shots.

Isasagawa ang inoculation drive mula November 29 hanggang December 1.

“Kaya natin ito ginagawa para maitaas pa ho natin ang fully vaccinated sa ating bansa bago man lang mag-Pasko, bago mag-holiday season. So, that’s our real target–those who are not yet vaccinated.”

(Toni Tambong)

The post 33.3M Pinoy kumpletong bakunado na appeared first on News Patrol.



33.3M Pinoy kumpletong bakunado na
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments