(Photo courtesy: Joel Villanueva FB)
Nananawagan si Senator Joel Villanueva sa National Privacy Commission (NPC) na suriin ang “epidemic” o kumakalat na “text scams” kung saan napupuno ng kaduda-dudang job offers ang mga mobile phone number.
Ayon kay Villanueva na dumarami ang reklamo sa social media ng mga indibidwal na nakatatanggap ng iba-ibang alok ng trabaho o sales work na may malaking komisyon.
“This is the new budol in town,” pahayag ni Villanueva.
Si Villanueva, chairman ng Senate labor committe, ay inilarawan ang kumakalat na “robot texts” na bawal at paglabag sa data privacy law.
Dagdag ni Villanueva na dapat makipag-ugnayan ang NPC sa National Telecommunications Commission kung paano masasawata ang ganitong iligal na panghihimasok sa privacy ng isang indibidwal.
Nagbabala rin si Villanueva na itong “robo texts” ay “variant of fake news” na maaaring maraming tao ang mabiktima.
“In a nation where unemployment and digital disinformation are high, these kinds of message can mislead many. Maraming kababayan po natin, lalo na ang mga naghahanap ng trabaho, ang ma-si-swindle nito,” paliwanag pa ni Vilalnueva.
Hiling din ni Villanueva sa government agencies at telecommunication firms na magtulungan para ilayo ang mamamayan na mabiktima ng “smishing”.
Ang smishing ay isang paraan ng text message phishing kung saan ang mga kriminal ay naaakit ang mga consumer na ibigay ang kanilang mga personal o financial information.
“Nasa area pa rin po ito ng consumer protection na trabaho ng gobyerno,” saad pa ng senador.
Ang gawaing ito ay mahigpit na binabantayan ng gobyerno para maprotektahan ang mga naghahanp ng trabaho na maging biktima ng illegal recruiters.
(NP)
The post Pag-aalok ng trabaho sa text, paglabag sa data privacy law, ayon kay Sen. Joel Villanueva appeared first on News Patrol.
Pag-aalok ng trabaho sa text, paglabag sa data privacy law, ayon kay Sen. Joel Villanueva
Source: Trending Filipino News
0 Comments