(Photo courtesy: Screengrab PTV FB live)
Natanggap ng bansa ang 2.7 milyon karagdagang doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines ngayong araw, Martes, Nov. 2.
Ang dumating na shipment ay binili ng gobyerno.
Bandang 3 pm nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang nasabing shipment.
Ito ang pinakamalaking shipment ng nasabing bakuna na kinabibilangan ng tig-1,350,000 doses ng components 1 at 2.
Umabot na sa 4.39 milyon doses ng bakunang Sputnik V ang natanggap ng Pilipinas.
Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, umabot na sa 108,912,460 ang nai-deliver na vaccine doses sa bansa.
Simula nang mag-umpisa ang vaccination program noong March, naiturok na ang mahigit 59.4 milyon doses.
Nasa mahigit 27.4 milyon indibwal o 35.58% ng target population ang kumpletong bakunado.
(Toni Tambong)
The post 2.7M Sputnik COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno, nasa ‘Pinas na appeared first on News Patrol.
2.7M Sputnik COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno, nasa ‘Pinas na
Source: Trending Filipino News
0 Comments