Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,303 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw, November 2.
Ito na ang pinakamababang kaso ng Covid-19 sa nakalipas na walong buwan o pagkatapos noong March 2 kung saan nagtala ang bansa ng 2,100 cases.
Umakyat naman ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa sa 2,792,656, ayon pa rin sa Department of Health.
Mayroon namang naitalang 4,677 na gumaling at 128 na pumanaw.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 31, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Matatandaang sinabi ng Octa Reearch na patuloy ang pagbaba ng Covid-19 cases sa bansa.
Kaya naman sinabi ng research group na maari nang ibaba o mas luwagan pa ang Alert level sa bansa sa Alert level 2 para mas marami pang negosyo ang magbukas at makabangong muli ang ekonomiya ng bansa.

The post 2,303 Covid-19 cases, pinakamababang kaso sa nakalipas na 8 buwan appeared first on News Patrol.
2,303 Covid-19 cases, pinakamababang kaso sa nakalipas na 8 buwan
Source: Trending Filipino News
0 Comments