(In photo: UK Prime Minister Boris Johnson at U.S. President Joe Biden sa COP26 climate conference sa Glasgow, Scotland)
Mahigit 100 world leaders ang kabilang sa kasunduan sa United Nations Climate Change Conference (COP26) sa Glasgow, Scotland upang itigil ang deforestation pagsapit ng taong 2030, batay sa ulat ng BBC.
Ang COP o conference of the parties ay malakihang pulong ng mga bansa upang isalba ang mundo sa climate crisis.
Ang pagputol ng puno ang isa sa mga sanhi ng climate change dahil nakakalbo ang mga kagubatang dapat sana ay sasagap ng warming gas na CO2.
Para kay UK Prime Minister Boris Johnson, host ng COP26, ang kasunduan ay malaking hakbang upang maprotektahan ang mga kagubatan sa mundo.
Maglalaan ng mahigit $19 billion para sa kasunduan, kabilang ang pag-rehabilitate sa mga kagubatan.

(Photo: Ang pagputol ng puno ang isa sa mga isinisisi sa climate crisis sa mundo.)
Kabilang sa mga bansang lalagda ay Canada, Brazil, Russia, China, Indonesia, Congo, U.S. at UK na siyang sumasakop sa 85 percent ng kagubatan sa mundo.
Makikiisa rin ang tatlumpu sa pinakamalalaking kumpanya sa mundo upang itigil ang investments na may kinalaman sa pagpuputol ng mga puno.
Environmentalists umalma
Pero hindi kuntento ang environmentalists.
“We’re facing a climate emergency so giving ourselves another 10 years to address this problem doesn’t quite seem consistent with that,” ayon sa ecologist na si Dr. Nigel Sizer ng Rainforest Alliance sa panayam ng BBC.
Ayon naman sa tanyag na Swedish teen activist na si Greta Thunberg, mauuwi lang sa wala ang mga pangako ng mga pulitiko.
“Inside COP there are just politicians and people in power pretending to take our future seriously… Change is not going to come from inside there… We’re sick and tired of it and we’re going to make the change whether they like it or not,” ayon kay Thunberg.

(Photo: Swedish environmental activist Greta Thunberg sa kilos-protesta sa COP26)
(PSH-NP)
The post World leaders, ititigil ang deforestation pagsapit ng 2030; environmentalists, tuloy ang protesta appeared first on News Patrol.
World leaders, ititigil ang deforestation pagsapit ng 2030; environmentalists, tuloy ang protesta
Source: Trending Filipino News
0 Comments