Ititigil na muna ng Facebook ang facial recognition system nito, ayon sa mother company ng social media giant, ang Meta.
“There are many concerns about the place of facial recognition technology in society, and regulators are still in the process of providing a clear set of rules governing its use,” ayon sa statement ng Meta.
Dahil dito, dagdag ng Meta, mas mainam na limitahan na lang ang paggamit ng facial recognition sa maliit na grupo.
Parte ng facial recognition system ang pag-identify sa isang fb user sa pamamagitan ng kaniyang mukha sa mga larawang ipino-post sa facebook platform.
Dahil sa desisyon ng Meta na suspindihin ito, aabot sa bilyong face prints o templates ang nakatakdang burahin mula sa system.
Hindi binanggit ng Meta kung kailan ito gagawin.
(NP)
The post Facial recognition system ng Facebook, ititigil na ayon sa Meta appeared first on News Patrol.
Facial recognition system ng Facebook, ititigil na ayon sa Meta
Source: Trending Filipino News
0 Comments