VP Leni Robredo, iaanunsyo ang desisyon kung tatakbo sa pagka-pangulo bago mag-October 8

Magkakaalaman bago mag-October 8, o sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy (COC), kung tatakbo sa pagka-pangulo si Vice President Leni Robredo.

Ito ay ayon sa kanyang tagapagsalita na si Atty. Barry Gutierrez.

Pero sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Robredo tungkol sa kanyang plano para sa 2022  elections.

Naunang lumabas sa isang report na tinanggap na umano ni Robredo ang nominasyon ng 1Sambayan para tumakbo siya sa pagka-pangulo.

Ito ay base sa naging pahayag ni Bro. Armin Luistro na isa sa convenor ng 1Sambayan.

Sinabi umano ni Luistro na tinanggap na ni Robredo ang endorsement ng 1Sambayan at maaaring mag-file na ng certificate of candidacy sa October 5.

The post VP Leni Robredo, iaanunsyo ang desisyon kung tatakbo sa pagka-pangulo bago mag-October 8 appeared first on News Patrol.



VP Leni Robredo, iaanunsyo ang desisyon kung tatakbo sa pagka-pangulo bago mag-October 8
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments