COMELEC: Higit 62 milyong botante na ang rehistrado para sa May 2022 elections

Umabot na sa higit 62 milyon ang kabuuang bilang ng mga botante na eligible na bumoto sa May 9, 2022 national at local elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Nalampasan nito ang naunang projection ng Comelec na 59 milyon.

Ito ang pinakabagong datos na inilahad ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa Balitaan sa Maynila ngayong Linggo.

Ayon kay Jimenez, sa kabuuang bilang na nabanggit, ang nagpa-reactivate ng kanilang rehistro ay nasa higit 880,000 at ang new registered voters naman ay mahigit sa 5 milyon.

Dagdag pa ni Jimenez na maaari pa itong madagdagan dahil ang voter registration ay pinalawig pa hanggang Oct. 30.

Sa ngayon ay binigyan daan muna ng Comelec ang filing ng certificate of candidacy ng mga kandidato sa 2022 elections na sinimulan nitong Oct. 1 hanggang Oct. 8.

(Jocelyn Domenden)

 

The post COMELEC: Higit 62 milyong botante na ang rehistrado para sa May 2022 elections appeared first on News Patrol.



COMELEC: Higit 62 milyong botante na ang rehistrado para sa May 2022 elections
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments