Isinusugod na COVID-19 patients sa PGH, nababawasan na

Bumababa na ang bilang ng mga dinadalang Covid-19 patient sa Philippine General Hospital (PGH), ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario.

Sinabi ito ni Dr. Del Rosario ngayong Linggo, Oktubre 3 kasabay ng ulat na bumababa na rin ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region.

Sa kabila nito, iniulat din ni Dr. Del Rosario na ang mga dinadalang pasyente sa PGH ay may mataas na antas ng severe sa COVID-19 cases.

Sa ngayon ay mayroong 228 COVID-19 patients o 80% ng occupancy rate ang PGH, mas mababa sa all-time high na naitala ng ospital na nasa 350 pasyente.

“Marami pa ring severe, usually ang nagiging pila ay yung kailangan ma-admit sa ICU,” sinabi ni del Rosario.

Malaking bahagi rin umano ng mga pasyente na naka-admit sa ICU ngayon ay hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

“Ang mga vaccinated na na-ICU, talagang may comorbidy, elderly. Kung di naman matanda, marami po overweight, may sakit sa puso, may diabetes, may hypertension. Yun pong the usual cardiovascular risk factors, they really come into play pag may COVID,” sabi pa ni  Del Rosario.

“Kaya napakalaking bagay po na ang ating mga kababayan, hindi lang bakuna ang pang-protect sa COVID, kundi ang ating kalusugan as a whole,” giit pa ng doktor.

Mayroon din umanong  15 naka-admit na pediatric patients na mayroong COVID-19.

Kasunod ng pagbaba ng bilang ng mga pasyente, unti-unti na rin umano nilang bubuksan ang outpatient department.

Sa kabila nito, mananatiling sa pamamagitan pa rin ng telemedicine ang mga isasagawang konsultasyon sa mga pasyente.

“Mas nakakahinga kami nang kaunti. Malaking bagay din po na ang ating manpower ay naka-catch up na,” pagbabahagi ng PGH spokesperson.

(Toni Tambong)

The post Isinusugod na COVID-19 patients sa PGH, nababawasan na appeared first on News Patrol.



Isinusugod na COVID-19 patients sa PGH, nababawasan na
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments