(Photo courtesy: BOC)
Sinalakay ng National Bureau of Investigation ang isang warehouse sa Barangay Laging Handa, Quezon City matapos ang dalawang buwang surveillance ng Bureau of Customs (BOC).
Bitbit ang Letter of Authority (LOA) na inisyu ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ininspeksyon ng mga miyembro ng POM-CIIS, Philippine Coast Guard (PCG), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Bureau of Investigation (NBI) isang bahay sa Quezon City.
Tumambad sa mga otoridad ang nasa P50 milyon halaga ng mga barya at ilang luxury car na tinatayang nasa 100 milyong piso.
Hindi pa masabi kung bakit naka-imbak ang pera roon, pero money laundering ang isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga otoridad.
“Kasi kapag ganito karaming barya, usually galing sa illegal gambling,” paliwanag ni Joel Pinawin, intelligence division chief ng BOC.
Ayon pa sa ulat, kinakalawang at inaamag na ang mga nasabing mga barya.
Ilan naman sa mga nadiskubre na umano’y smuggled luxury vehicles ay ang Lamborghini, Nissan GTR, Ferrari, Ford Shelby GT500, Mercedes Benz, Karosserie, Ford Raptor at Nissan Cefiro.
Base sa isinagawang surveilance, labing-isang luxury car umano ang nakaparada sa lugar noong nakaraang araw.
“Kahina-hinala ‘yung mga kotse kasi pansin mo walang plaka, tapos wala ring conduction sticker,” sabi pa ni Pinawin.
Kasong paglabag sa Section 1114 of RA10863 o Customs Modernization and Tarrif Act (CMTA), BSP rules and regulation at Anti-Money Laundering Laws maaring isampa laban sa may-ari ng mga nito.
(Toni Tambong/Jocelyn Domenden)


The post P150-M na halaga ng Luxury Cars at coins, nasabat sa Quezon City appeared first on News Patrol.
P150-M na halaga ng Luxury Cars at coins, nasabat sa Quezon City
Source: Trending Filipino News
0 Comments