OCTA: COVID reproduction number sa NCR, bumagsak sa 0.83

Bumagsak pa sa 0.83 ang COVID reproduction number sa National Captital Region (NCR) mula sa 0.87, ayon sa Octa Research Group.

Ayon kay Octa Research Fellow Dr. Guido David na bumaba rin ang reproduction number sa buong bansa.

Mula sa 0.98 noong nakaraang linggo ay nasa 0.91 na lamang ito.

Kabilang din sa bumaba ang positivity rate sa NCR o dami ng mga nagpopositibo sa test results na nasa 16% na lamang mula sa 17%.

Naitala naman ang 3,600 seven-day average.

Ayon pa kay David na posibleng umabot na lamang sa halos 6,000 kaso ng COVID araw-araw ang maitatala.

“Malaki na ang ibinaba niyan kasi ang pinakamataas natin, umabot tayo ng halos 6,000 cases per day,” pahayag ni David.

Nilinaw naman ni David na kahit bumababa na ang kaso ng COVID-19, nananatiling mataas pa rin ang ICU utilization rate sa Metro Manila.

Dagdag pa ni David na posible rin umano ang pagbaba ng risk classification sa Metro Manila.

“Titingnan pa natin pero maaaring bumaba siya sa moderate risk based sa COVID Act Now indicators na tinitingnan natin,” paliwanag ni David.

(Toni Tambong)

The post OCTA: COVID reproduction number sa NCR, bumagsak sa 0.83 appeared first on News Patrol.



OCTA: COVID reproduction number sa NCR, bumagsak sa 0.83
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments