Vaccination ng mga edad 12-17 sa NCR, sinimulan na

(Photo courtesy: Pasig PIO)

Sinimulan na ang pagbabakuna ngayong araw, October 15, para sa mga edad 12-17 sa walong ospital sa National Capital Region habang target isunod na bakunahan ang mga kabataan sa probinsya bago rin matapos ang buwan.

Isinagawa sa National Children’s Hospital (NCH) ang ceremonial vaccination para sa mga bata.

Pinangunahan nina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at Senador Sherwin Gatchalian ang nasabing pilot vaccination ng pediatric group.

(Photo: PTV)

Samantala, sinimulan na rin ng lokal na pamahalan ng Pasig City ang pagbabakuna ng mga nasa edad 12 hanggang 17.

(Photo: Pasig PIO)

Kasado na rin sa Philippine General Hospital ang pagbakuna sa mga nasa pediatric group.

“Ngayon po, ang sabi sa akin 12 patients muna for the ceremonial vaccination pero next week po ang target ay 300 adolescents,” pahayag ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario.

Ipinaliwanag ni Del Rosario ang proseso ng pagpili ng mga babakunahang kabataang pasyente sa pamamagitan ng mismong pagpili ng iba’t ibang dibisyon sa ospital.

Kinonsulta ang mga magulang ng mga napiling kabataan ukol sa kanilang pagpayag sa pagbabakuna.

Ang iba pang mga ospital na kabilang sa vaccination ng pediatric group ay ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC), Fe Del Mundo Medical Center, Makati Medical Center, St. Luke’s Medical Center at Philippine Heart Center.

Sa ngayon maaaring mabakunahan ang mga batang may sumunsunod na comorbidity:

  • genetic conditions
  • auto-immune disorders
  • neurologic conditions
  • metabolic and endocrine conditions
  • cardiovascular diseases
  • obesity
  • HIV
  • tuberculosis
  • chronic respiratory disease
  • renal disorders
  • hepatobiliary disorders

(Toni Tambong)

The post Vaccination ng mga edad 12-17 sa NCR, sinimulan na appeared first on News Patrol.



Vaccination ng mga edad 12-17 sa NCR, sinimulan na
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments