Joma kay Isko: Hindi talaga siya komunista kasi hindi naman siya kwalipikado

Pinabulaanan ng political wing ng Communist Party of the Philippines ang pagiging komunista ni Manila Mayor Francisco “Isko” M. Domagoso dahil hindi naman umano siya kwalipikado dahil sa mga political views ng alklade.

Sa isang pahayag ni Jose Maria “Joma” Sison, chief political consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang mga kumakalat na balitang si Domagoso ay isang komunista ay isang kasinungalingan dulot ng propaganda ng kaniyang kalaban sa pulitika.

Dagdag pa ni Sison na ang nasabing bintang ay kapwa umanong hindi patas sa alkalde na hindi sumusuporta sa idelohiya ng komunismo at sa CPP dahil mataas ang pamantayan sa miyembro ng samahan.

“Let us respect Isko’s declaration that he is not a communist because in the first place he is not qualified to be one,” pahayag ni Sison.

Nauna na kasing pinabulaanan ni Domagoso sa isang online forum na hindi siya komunista matapos na lumabas ang litrato niya kasama si Sison at iba pang NDFP officials na kinunan sa peace talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at communist movement.

Sinabi rin ng alkalde na hindi siya naniniwala sa idelohiya ng mga komunista.

(Toni Tambong)

 

 

 

 

The post Joma kay Isko: Hindi talaga siya komunista kasi hindi naman siya kwalipikado appeared first on News Patrol.



Joma kay Isko: Hindi talaga siya komunista kasi hindi naman siya kwalipikado
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments