Mga mayor ng NCR, umalma; hindi umano nakonsulta sa desisyong ibaba sa alert level 3 ang rehiyon

Walang konsultasyong naganap sa pagitan ng Metro Manila Mayors at Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbaba ng quarantine restrictions sa Metro Manila ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teoodoro.

Ito ay matapos ang anunsyo ng Malakanyang noong Miyerkoles, Oct. 13 na ilalagay ang National Capital Region sa Alert Level 3 simula bukas, Sabado, Oct. 16 hanggang 31.

“Walang naging pag-uusap o pagpupulong na nanaganap sa pagitan ng Metro Manila Mayors at ng IATF (Inter-agency task Force) at natanggap na lamang namin itong bagong alert level kaya ang ibang mayor nagtatanong at pinag-aaralan mabuti kung paanoo natin safely maimplement itong bagong alert level system,” pahayag ni Teodoro.

Ayon pa kay Teodoro, pabor siya sa muling pag-angat ng ekonomiya pero kailangan na maging maingat sa mga minimum public health standard.

“I-set nating Mabuti ang mga guidelines. Ito iyong kinatatakot ko na baka maulit yung mga nangyari ng mga nakaraang buwan na nagkaroon ng announcement pero binawi o kaya naman ay yung mababang kaso ng COVID natin sa Metro manila ay muling tumaas,” paliwanag pa ni Teodoro.

Dagdag pa ni Teodoro, nagmamadali sila ngayon sa preparasyon sa mga kailangang mekanismo para sa pagpapatupad ng bagong alert level system tulad ng regulation, enforcers, engineering at administrative control sa mga establisiyemento na kailangan ma-inspeksyon.

“Sana nabigyan kami ng tamang panahon at ang guidelines sana maibigay nang mas maaga para nakapaghanda,” saad pa ni Teodoro.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang ilang establisiyemento ay pinapayagan mag-operate hanggang 30 porsyento kapasidad ng kanilang indoor venue para sa mga indibidwal na fully vaccinated.

Pinapayagan naman ang 50 porsyento kapasidad sa kanilang outdoor venue.

(NP)

The post Mga mayor ng NCR, umalma; hindi umano nakonsulta sa desisyong ibaba sa alert level 3 ang rehiyon appeared first on News Patrol.



Mga mayor ng NCR, umalma; hindi umano nakonsulta sa desisyong ibaba sa alert level 3 ang rehiyon
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments